Agad nakiramay si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa sinapit na trahedya ni dating Sen. Rene Saguisag at maybahay nitong si Dulce na naaksidente sa Makati City kahapon ng madaling araw.
“It’s very sad news. Let’s pray for the swift recovery of Sen. Saguisag and the peaceful rest of his wife Dulce,” wika pa ni Pangulong Arroyo.
Si Mrs. Saguisag ay naglingkod bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at aktibo sa kampanya laban sa breast cancer habang ang dating senador naman ay kasalukuyang legal counsel ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Pauwi na ang mag-asawang Saguisag galing sa isang ballroom dancing sa Makati City nang sila ay maaksidente. (Rudy Andal)