Infant milk ads ok na

Tuloy ang pagpapalabas ng mga promosyon o advertisements ng mga produktong gatas para sa sanggol o infant formula milk matapos ipawalang-bisa ng Supreme Court enbanc ang ilang probisyon ng Revised Implementing Rules and Regulations (RIRR) ng Milk Code na nagpapataw ng absolute ban sa infant milk ads.

Sa 53-pahinang desisyon, pinaboran nito ang petisyon ng Pharmaceutical and Health Care Association of the Philippines na ideklarang walang bisa ang sections 4 (1), 11 at 46 ng RIRR.

Nais ng Department of Health (DOH) na i-ban ang anumang promosyon o patalastas ng mga breastmilk substitutes dahil dapat anyang ipromote ang breast milk. 

Pero ayon sa Korte, anumang amyenda sa batas ay dapat anyang manggaling sa Kongreso. (Ludy Bermudo)

Show comments