4,000 barangays ‘hotspot’ - PNP

Aabot sa 4,000 ba­rangay ang tinukoy ni PNP chief Avelino Ra­zon Jr. bilang mga ‘hot­spot’ areas sa darating na October 29 Barangay at Sangguniang Kaba­taan elections sa buong bansa.

Kasama ang AFP ay nakatakda nilang isu­mite ang mga hotspots areas sa Comelec nga­yon na karamihan sa natukoy na mga lugar ay sa Autonomous Region in Muslim Mindanao, Western Mindanao, Cordillera Administrative Region at Ilocos region.

“We have identified some 4,144 barangays that are in our watchlist and this will be verified not only by the intelligence community of the PNP but also of the AFP,” dagdag ni Razon. 

Sinabi naman ni AFP chief Hermogenes Es­pe­ron na ikakalat nila ang mga sundalo sa ibat ibang lugar bilang pag­tupad sa kanilang tung­kulin ngayong Barangay at SK elections.

Wika pa ni Gen. Es­pe­ron, sisikapin ng AFP at PNP na magiging ma­linis at mapayapa ang darating na halalan. (Rudy Andal)

Show comments