Ipinaliwanag ni Dr. Arturo de Castro na ang isang kaso ay maaari lamang ituring na class suit kapag ang pag-uusapan ay nasasa-interes din ng higit na nakararami.
Pinuna ni de Castro na sa class suit, tanging ang mga naghablang taga-media lamang ang direktamentang makikinabang o magdurusa sa anumang magiging resulta nito.
"Hindi ang iba pang mga taga-media at lalong hindi ang buong media industry," ayon kay de Castro.
Idinagdag pa ni de Castro na may karapatan si Ginoong Arroyo sa ilalim ng Konstitusyon na magdemanda upang maipagtanggol ang kanyang karangalan. (Lilia Tolentino)