Nabatid na si CA Associate Justice Enrico Lanzanas ang ponente ng desisyong ilalabas habang ang dalawa pang miyembro ng 13th Division ang kokontra o papabor para sa desisyon. Sakaling unanimous o hindi makontra ng 2 ang ponente, dito maglalabas ng desisyon.
Maaaring mag-isyu ng TRO o pagkomentuhin ang mga sangkot na kampo. Kung hindi magkakaisa ang mga miyembro sa kanilang desisyon ay bubuo ng tinatawag na Division of Five kung saan 2 mahistrado pa ang idadagdag upang sumali sa deliberasyon. (Ludy Bermudo)