Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), round-the-clock ang pagmo-monitor ng embahada sa Bangkok dahil sa tension pa rin doon matapos ang pang-aagaw ng Thai Army chief sa puwesto kay Prime Minister Thaksin Shinawatra at magdeklara ng Martial Law.
Sinabi ni Foreign Affairs spokesman Ed Malaya na bagaman ang sitwasyon doon ay nananatiling normal o walang anumang karahasan ay nakahanda na ang contigency plan ng gobyerno.
Pinaalalahanan na rin ni Malaya ang mga Pinoy na nagnanais na magtravel o magtrabaho sa Thailand na umiwas munang tumungo doon habang ang mga OFWs sa nasabing bansa ay pinayuhang huwag munang maglalabas at tumungo sa mga matataong lugar para makaiwas sa disgrasya.
Sa ngayon ani Malaya, base sa report ni Phil. Ambassador to Thailand Antonio Rodriguez ay wala pang Pinoy na tumutungo sa embahada upang humingi ng tulong mula nitong Martes matapos ang military takeover. (Ellen Fernando)