Ang lingguhang programa na PCSO-Strike sa Serbisyo ni PCSO director Revilla ay mapakikinggan mula alas-3 hanggang alas-4 ng hapon tuwing Sabado sa DZRH.
Ang nasabing radio program ni Revilla na nagbibigay ng serbisyo-publiko sa taumbayan ang nanguna sa nasabing time slot sa isinagawang survey ng AC Nielsen.
Nangako si Strike na lalo niyang pag-iibayuhin ang paghahatid ng serbisyo sa taumbayan sa pamamagitan ng kanyang programang PCSO-Strike sa Serbisyo. (Rudy Andal)