Partikular na tinukoy ng grupong Congress Labor Organizations (CLO) at Aksyon Sambayanan (Aksa) ang major oil players na Shell, Caltex at Petron na impormahan nito ang publiko ng kanilang sistema sa mga presyo na halos lingguhan kung magtaas ng kanilang mga presyo dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.
Ayon kay AkSa labor leader Timoteo Aranjuez, kailangan ding ikonsidera ng mga kumpanya ng langis ang kalagayan ng mga mahihirap lalo pat lumilitaw na lalong tumaas ang kita ng mga ito ng nakaraang taon dahil sa walang humpay na oil price hike.
Hiniling din ni Aranjuez sa gobyerno na magmonitor upang hindi samantalahin ng mga oil companies ang kalagayan ngayon ng "enerhiya" sa bansa.
Aniya, dapat na ring madaliin sa Kongreso ang pagpasa ng bio-fuel act upang hindi na masyadong umasa sa mga imported oil, makababawas pa ng polusyon at makakalikha pa ng trabaho para sa marami. (Doris Franche)