Kinilala ni Atty. John Bautista, hepe ng Operations and Surveillance Division ang kakasuhang ahensiya na Prime Opportunities, Inc. (POI).
Natagpuan sa hotel ang may 70 aplikante na nakalinya para sa interview na karamihan ay mekaniko ng eroplano. Iba-blacklist ng POEA ang prinsipal na Singaporean ng POI na Maj. Aviation Pte., Ltd. (MAPL) at ang mga opisyal nito.
Nabigo ang POI na magpakita ng anumang dokumento na nagpapatunay na otorisado itong magsagawa ng panayam para sa mga mekaniko sa eroplano. Kamakailan lamang nanawagan ang mga kinatawan ng lokal na industriyang panghimpapawid sa pamahalaan na pansamantalang ipagbawal ang pagpapaalis sa mga mekaniko at piloto at kumilos kaagad laban sa pamimirata ng mga banyagang airlines.