ARMM elections tatalakayin ng SC

Tatalakayin ngayon ng Supreme Court (SC) en banc kung itutuloy ang nakatakdang election sa Autonomous Region on Muslim Mindanao (ARMM) sa Agosto 8.

Inaasahan din na anumang araw ngayong linggong ito ay ilalabas ng SC ang resolution nito hinggil sa pagpapatigil ng naturang ARMM election.

Magugunita na hiniling ng Anak Mindanao partylist group at dating Rep. Abdulgani "Gerry" Salappudin na pigilin ng Supreme Court (SC) ang darating na election dahil ito umano ay labag sa batas.

Kinukuwestiyon ng mga nasabing republic act ang Article XVIII, section 5 ng Constitustion, kung saan tinatakda ang national election sa ikalawang Lunes ng buwan ng Mayo.

Bunga nito’y hinihiling ng mga nasabing petitioners na magpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang SC upang ihinto ang nakatakdang ARMM election. (Ulat ni Grace Amargo dela Cruz)

Show comments