Ipinaliwanag ni Echiverri na hindi siya tutol sa pagtaas ng bayad dahil naniniwala siyang kailangan ito sa pagpapagawa at pagpapaunlad ng expressway subalit kailangang resonable ang singil upang hindi masakit sa bulsa ng motorista.
Halos 600 porsyento ang itinaas sa singil sa North Luzon Expressway makaraang mag-take-over ang bagong operator nito na Manila North Tollway Corp.
Ayon sa alkalde, ang P42 na flat rate sa unang 14 kilometro, mula Balintawak hanggang Bocaue exit, ng expressway ay hindi makatarungan sa mga motoristang hindi naman gumagamit ng buong 14-kilometro o iyong mga lumalabas sa Valenzuela o Meycauayan.
Ang dating singil mula Balintawak hanggang Valenzuela ay P3 lamang. Iminungkahi ni Echiverri na hatiin sa tatlo ang singil batay sa lalabasan ng motorista.