Lifestyle check hingi vs Batangas mayor, 2 pa

Hiniling kahapon ng mga residente ng Tanauan City, Batangas sa National Bureau of Investigation (NBI) na isailalim sa "lifestyle check" ang kanilang alkalde, city treasurer at city engineer.

Ayon sa mga residente, kuwestiyunable umano at hindi maipaliwanag ng tatlong opisyal ang kanilang biglaang pagyaman mula ng maluklok sa kapangyarihan.

Sinasabing si Mayor Alfredo Corona mismo ang tumatayong chairman ng Philippine Bidding and Award Committee sa kanilang bayan kung kaya ang lahat ng proyekto ay napupunta umano sa pinapaburang kumpanya na Zillion Builder. Miyembro naman ng PBAC ang city engineer na mayroon umanong construction company at mga dump truck habang may structural steel company naman umano ang kanilang city treasurer.

"Maliwanag na conflict of interest ang ginagawa ng aming mga opisyal, kaya sa halip na mapunta sa kaban ng bayan ang kita ng Tanauan City ay sa bulsa nila napupunta,’" hinagpis ng isang residente na tumangging banggitin ang kanyang pangalan. (Ulat ni Ellen Fernando)

Show comments