Ayon kay Estrada, naturingan anya tayong isang bansang Katoliko, pero may mga Pilipino na hindi naman makatao.
"This is supposedly a Catholic country. Why is it that some of our countrymen do not even have compassion?" sabi ni Erap.
Binanggit ni Estrada ang mga non-Catholic nations gaya ng Indonesia at Argentina na pumayag sa "city arrest" para kay dating President Suharto at ex-Argentine President Carlos Menem, na katulad niyang nakasuhan ng corruption.
Sa kabila nito, pinasalamatan naman ni Estrada si dating Pangulong Cory Aquino dahil sa pahayag ng huli na sinusuportahan niya ang ginawang pagbibigay ng special pass kay Estrada.
Binanggit din nito ang kaso ng yumaong si Sen. Benigno "Ninoy" Aquino na pinayagang makauwi sa kanilang tahanan sa Quezon City tuwing birthday niya at iba pang mahahalagang okasyon sa kanilang pamilya at makapunta ng Amerika para magpagamot.
"And those things were granted to Ninoy who was already convicted of the (rebellion) cases against him by the courts and he enjoyed those privileges even during the martial law regime," pagdidiin ni Estrada.
"Sa kaso ko, hindi pa ako nahahatulan," dagdag pa ni Estrada.