Obet bagong Tourism Secretary

Itinalaga kahapon ni Pangulong Arroyo si Agrarian Reform Secretary Roberto Pagdanganan bilang bagong Tourism secretary kapalit ni dating kalihim Richard Gordon na nagbitiw sa tungkulin dahil kakandidato sa pagka-senador.

Sa isang press briefing kahapon, sinabi ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye na walang "pressure" ang pagtatalaga ng Pangulo kay Pagdanganan sa DOT kaugnay ng kahilingan ng ilang organisasyon ng magsasaka na alisin na ito sa DAR.

Sinabi ni Bunye na angkop na angkop kay Pagdanganan ang puwesto sa DOT dahil mahusay ito sa marketing.

Hinirang namang officer-in-charge ng DAR si Jose Mari Ponce. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments