Sinabi ng Special Division na walang basehan ang kahilingan ng Plunder Watch sa pangunguna ni Fr. Jose Dizon na parusahan ang mga akusadong sina Estrada, Sen. Loi, Jinggoy Estrada, Attys. Rene Saguisag at Raymond Fortun.
Ayon sa korte, sapat na ang ginawang pagharap ni Estrada at paghingi ng paumanhin sa korte kung saan nangako pa ang dating presidente na hindi na muling aatakihin ang justice system ng bansa.
Magugunitang naunang ikinatwiran ng depensa na hindi maaaring kasuhan si Sen. Loi ng contempt dahil ginawa niya ang pagbatikos sa korte sa pamamagitan ng privileged speech at bilang miyembro ng Senado ay mayroon itong "immunity from suit."
Nag-ugat ang pagsasampa ng reklamong contempt ng sibakin ni Estrada ang kanyang mga abogado upang ipakita na wala na siyang tiwala sa korte. (Ulat ni Malou Escudero)