Ayon kay Pangulong Arroyo, ipauubaya na niya sa gobyerno ng America ang pagtugis kay Misuari dahil puwede na itong ituring na kalaban ng US at banta sa kanilang seguridad.
Ito ay makaraang madiskubre ng military na may kaugnayan ito sa Abu Sayyaf at dapat nang idagdag sa listahan ng US ng mga suspected international terrorist.
"Since the Abu Sayyaf is included in the order of battle of the United States on the terrorist, we will be notifying the US that we have information that Misuari has links," pahayag ng Pangulo.
Si Misuari ay kinasuhan na ng rebelyon sa Pilipinas dahil sa pagsugod sa Jolo at ang pagsalakay sa Cabatangan complex sa Zamboanga City ng kanyang renegade forces.
Sa isang ambush interview, sinabi rin ng Pangulo na hindi niya bibigyang pansin ang umanoy open letter ni Nur.
Bagaman hindi pa niya natatanggap o nakikita ang naturang liham ay sinabi ng Pangulo na hindi niya papatulan ito.
"Im not going to dignify any letter from him (Misuari) and I have not received it," dagdag pa ng Pangulo. (Ulat ni Ely Saludar)