1,000 Pinay 'hostage' daw sa Japan

May 1,000 Pilipina ang tila umano "hostage" sa mga prostitution den ng Yakuza gang sa mga red light district ng Narita, Osaka at Tokyo sa Japan.

Ito ang nabatid sa isang Pilipinang itinago sa pangalang Vivian at dumating kahapon sa Ninoy Aquino International Airport lulan ng Japan Airlines mula sa Narita.

Si Vivian na edad 24 anyos at tubong-Alcala, Pangasinan ay nagsabing nakatakas lang siya sa isang prostitution den nang makatulog ang kanyang bantay.

Sinabi ni Vivian na ang naturang mga Pilipina na nagtatrabaho bilang prostitute sa naturang bansa ay ikinukulong sa isang kuwarto na walang bintana at naguguwardiyahan ng mga tauhan ng Yakuza. Ginugulpi o dinodroga umano ang sinumang magtangkang lumabas nang mag-isa. Sapilitan din ang pagsama ng mga babae sa labas sa mga kustomer ng club. (Ulat ni Rey Arquiza)

Show comments