Bodyguard ni Lacson pinagbibitiw

Hinamon kahapon ni Philippine National Police Chief Deputy Director General Leandro Mendoza ang mga pulis na tumutulong sa kampanya ng kandidatong senador na si Panfilo Lacson na magbitiw sa tungkulin kung hindi sila titigil sa ginagawa umano nilang electioneering.

Sinabi ni Mendoza na dapat alam ng mga pulis na kaibigan ni Lacson ang kanilang responsibilidad sa PNP at ang limitasyon ng pagiging kaibigan ng isang pulitiko.

Sa isa namang pahayag, nilinaw ni Lacson na ang mga lokal na opisyal ng Zamboanga City at Davao City ang nagtalaga ng mga pulis na nagsilbi niyang bodyguard nang imbitahin siya sa naturang mga lungsod.

Nagkataon lang anya na nangangampanya siya sa pagka-senador nang imbitahan siya para magtalumpati roon. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments