Naniniwala si Villar na dapat matugunan at tumbasan ang ibinibigay na serbisyo ng naturang mga manggagawa sa kanilang pinaglilingkuran.
Binanggit pa niya na, sa maraming lugar sa bansa, ang mga lider ng barangay ang may direktang kontak sa mamamayan kaya naman dapat siguruhin ang umento sa kanilang sahod dahil sa kanilang papel sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang komunidad.
Hindi anya sapat ang kasalukuyang sahod ng mga kapitan, tanod at ibang opisyal ng barangay para magampanan ang mabigat nilang tungkulin. (Ulat ni Marilou Rongalerios)