Cone inihahanda ang strategy ng Gilas para sa FIBA OQT

Tim Cone.
STAR / File

MANILA, Philippines —  Inihahanda na ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang game plan nito laban sa matitikas na tropang haharapin ng kaniyang bataan sa FIBA Olympic Quali­fying Tournament sa Riga, Latvia sa susunod na buwan.

Makakasama ng Gilas Pilipinas ang Latvia at Georgia sa group stage ng FIBA Olympic Qualifying Tournament.

May ideya na si Cone kontra sa mga makakasagupa ng Pinoy squad matapos ang ginawang scouting ng coaching staff.

Ilan sa mga nakita ng coaching staff ay ang husay ng Latvia sa three-point shooting lalo pa’t babanderahan nito ni NBA veteran Kristaps Porzingis.

Bahagi si Porzingis ng Boston Celtics na sariwa pa sa matamis na pagkopo sa kampeonato sa katatapos lamang na NBA season.

Sa kabilang banda ay matibay din ang Georgia na may malakas na front line at mahuhusay na point guard.

Ito ang inaasahang paghahandaan ng Gilas Pilipinas sa training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba.

Walang dapat ipangamba dahil may binubuo nang game plan si Cone kung paano tatapatan ang bawat bombang ilalatag ng kanilang mga makakalaban.

Mangunguna sa tropa sina naturalized player Justin Brownlee at seven-time PBA MVP June Mar Fajardo kasama sina Kai Sotto, CJ Perez, Chris Newsome, Cal­vin Oftana, Dwight Ramos, Kevin Quiambao, Carl Ta­mayo, Japeth Aguilar at Mason Amos.

Show comments