^

PSN Showbiz

Xian Lim binura Youtube videos kasama Kim Chiu, pinatindi usapang 'hiwalayan'

James Relativo - Philstar.com
Xian Lim binura Youtube videos kasama Kim Chiu, pinatindi usapang 'hiwalayan'
Kuha nina Xian Lim (kaliwa) at Kim Chiu (kanan)
Video grab mula sa Youtube channel ni Kim Chiu

MANILA, Philippines — Biglaang binura ng aktor na si Xian Lim ang karamihan ng kanyang videos sa Youtube — at ang kapansin-pansin dito, damay ang mga content kung saan kasama ang nobyang si Kim Chiu. 

Ito ang makikita sa kanyang YT channel na @XianLim8 matapos lumabas ang ugong-ugong na "pinagpalit" diumano ng aktor ang aktres sa isang taga-Viva.

Tatlong video na lang ang nasa channel ni Xian: ang "Draw My Life-Xian Lim | 053" na in-upload pitong taon na ang nakalilipas, bukod pa sa dalawang Youtube shorts.

Ilang linggo nang napapansin ng fans na binubura ng aktor si Kim sa kanyang mga online media posts, dahilan para isipin ng ilang hiwalay na ang dalawa.

Hindi pa naman kinukumpirma ng dalawang panig ang haka-haka ng ilan.

Ngayong Disyembre lang nang asarin ni Vice Ganda si Kim tungkol sa kanyang relationship status, habang binibiro ang huling sumali sa bagong segment ng "It's Showtime" na nagsho-showcase sa mga dating magkarelasyon.

Nobyembre 2023 lang nang itanggi ni Kim sa media ang balitang hiwalay na sila ng jowa.

"Grabe! Kayo talaga, baka nalilinlang lang kayo," ani Kim isang buwan na ang nakalilipas.

"Okay naman po kami ni Xi. Oo, mapanlinlang ang showbiz, pero maayos naman. Masaya naman po."

Lumabas ang balitang ito ilang linggo matapos ang kontrobersyal na hiwalayan nina long-time celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

vuukle comment

BREAK UP

KIM CHIU

XIAN LIM

YOUTUBE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with