Mga senior citizen, nabuhay ang utak

“Saludo ako kasi ito once in a lifetime na nakakapagturo kayo at ang seniors nabigyan ng pagkakataon na makapakinig at matuto. Kasi ang mga bata wala nang panahon (na magturo). So lahat busy. Kaya ito maganda,” aniya matapos dumalo sa Globe’s recent learning session sa Barangay Pacita 1, San Pedro, Laguna.
STAR/File

Ang dating teacher at civil servant na si Delilah Rebutica, 73, ay kadalasang nahihirapang humingi ng tulong sa mga kabataan kapag siya ay may mga tanong tungkol sa digital technology. Kaya naman nang natagpuan niya ang tulong na kailangan niya sa pamamagitan ng learning session ng #SeniorDigizen ng Globe, hindi siya napigilan.

“Saludo ako kasi ito once in a lifetime na nakakapagturo kayo at ang seniors nabigyan ng pagkakataon na makapakinig at matuto. Kasi ang mga bata wala nang panahon (na magturo). So lahat busy. Kaya ito maganda,” aniya matapos dumalo sa Globe’s recent learning session sa Barangay Pacita 1, San Pedro, Laguna.

Ito ang kanyang unang pagkakataon na dumalo sa isang pagsasanay na sadyang idinisenyo para sa mga nakatatanda at natagpuan itong isang mahusay na ehersisyo sa utak.

“Medyo na-revive ang learnings. Magandang exercise sa nagkaka-edad,” dagdag ni Lola.

Pagkatapos ng learning session, nagkaroon siya ng interes na mag-invest online sa pamamagitan ng GInvest ng GCash.

Ang #SeniorDigizen campaign nila ay umaayon sa pagtulak ng kumpanya para sa digital inclusion, na naglalayong tulungan ang mga nakatatanda na malampasan ang mga takot at maling akala tungkol sa digital na teknolohiya habang pinoprotektahan sila mula sa mga panganib sa online.

““By equipping our seniors with essential digital skills, we empower them to unlock the vast opportunities and conveniences that technology offers, ultimately improving their quality of life,” said Yoly Crisanto, Globe’s Chief Sustainability and Corporate Communications Officer.

Show comments