Ivana, natakam sa de lata

Ivana Alawi.
STAR/ File

Epek ang simpleng endorsement ni Ivana Alawi.

Nag-viral nga ang video ni Ivana na kumakain siya ng sardinas na nakakamay.

Kaya naman relate much ang maraming netizen sa nasabing video.

Share pa more ang kanyang maraming followers.

Chika ng actress/content creator, natakam siya sa sardinas.

Galing siyang taping ng FPJ’s Batang Quiapo. Hindi pa siya nagdi-dinner pagkauwi ng bahay.

Nagbukas ng isang lata ng sardinas at ibinuhos sa kanin. Nilagyan ng calamansi at sili, kumain siya nang nakakamay.

Paalala niya, blessing ang lahat ng pagkain.

Eh ang ‘di alam ng iba, simpleng promo ‘yun ng endorsement ng sexy actress.

Show comments