Palawan, nilindol ng 5.1 magnitude

MANILA, Philippines — Niyanig ng lindol na nasa magnitude 5.1 ang Palawan kahapon ng hapon.       

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas- 2:58 ng hapon nang tumama ang lindol, na ang sentro ay naitala sa layong 091 kilometro ng timog silangan ng  Roxas Palawan.

Ayon sa Phivolcs, umabot sa 026 kilometro ang lalim ng lupa ng naturang lindol.

Dulot nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity 3 sa Roxas, Palawan at Intensity I sa Cuyo at Narra, Palawan.

Sinabi ng Phivolcs na asahan na ang aftershocks pero walang report ng pinsala ang naturang lindol.

Show comments