15-anyos estudyante, timbog sa gunrunning!

Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

DARAGA, Albay, Philippines — Nasa pangangalaga na ng Women and Children’s Desk Division ng Daraga Municipal Police Station ang isang 15-anyos na high school student matapos maaresto ng mga pulis sa pagbebenta ng baril at nakuhanan pa ng droga sa ginawang gun buy-bust operation sa loob ng UV Express Terminal sa Purok-1, Brgy. Ki­mantong ng bayang ito, kamakalawa ng tanghali.

Inihahanda na ang kaso laban sa suspek na nakatakdang i-turn over sa Department of Social Welfare and Development na kinilala lamang sa pangalang “Dante”, residente ng naturang lugar.

Sa ulat, inalok ng binatilyo ang isang undercover agent sa ibi­nebentang baril.

Dakong alas-12:15 ng tanghali ay inilatag ang buy-bust operation laban sa suspek sa compound ng UV Express Terminal.

Nang magkaabutan ng kontrabando ay agad inaresto ang estudyante ng mga nakakubling ope­ratiba.

Nabawi mula sa suspek ang ibinebentang Caliber 357 Taurus revolver na may serial number 3567. Nang kap­kapan ay nakuhanan pa siya ng isang sachet ng shabu.

Show comments