Bulacan nagbunyi sa panalo ng pambatong kandidata sa Miss Universe

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Nagbunyi ang lalawigan ng Bulacan sa pagkapanalo ng pambatong kandidata nito sa katatapos na Miss Universe 2024 na si Chelsea Manalo.

Pinatunayan ng Bulacan na ito nga ang “Tahanan ng Magagandang Dilag” sa tagumpay ng kandidata na tubong Meycauayan, Bulacan.

Si Manalo ang nanaig at itinanghal na pinakamaganda at pinakamatalinong kandidata sa katatapos lamang na Miss Universe Philippines 2024 pageant na ginanap sa SM Mall of Asia Arena.

Maliban sa titulo, wagi rin ang 24 taong gulang na si Manalo ng Miss Jojo Bragais special award.

Pinasalamatan ang Miss Universe Philippines 2024 ang kanyang pamilya, handler, make-up artists, at mga taong sumuporta sa kanya mula sa simula ng kanyang paglalakbay kabilang si Gobernador Daniel  Fernando.

Sa ginanap na Top 5 question-and-answer portion ng pageant, tinanong si Manalo kung paano niya gagamitin ang kanyang mga katangian kabilang ang kagandahan at kumpiyansa upang palakasin ang ibang tao.

“As a woman of color, I’ve always faced challenges in my life. I was told that beauty has standards, but for me, I have listened and always believed in my mother. To always believe in yourself. Uphold the vows that you have in yourself. Because of these, I am already influencing a lot of women who are facing me right now. As a transformational woman, I have 52 other delegates here with me who helped me become the woman I am,” sagot niya.

Show comments