7-anyos naligo sa creek, tinangay ng baha

MALVAR, Batangas, Philippines — Nagsasagawa ng search and rescue operation ang pulisya at Philippine Coast Guard (PCG) matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig-baha ang isang 7-anyos na batang lalaki habang naliligo kasama ang kanyang ina at kapatid sa isang creek, kamakawala ng hapon sa Brgy. San Pioquinto, Malvar, Batangas.

Kinilala ang nawawalang bata na si Mark Nathan Miranda, estudyante at residente ng nasabing lugar .

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-3:00 ng hapon nang maganap ang insidente. Nagtungo umano sa creek ang biktima, inang si Maria Adelyn Rhose Ebon, at isa pang kapatid nitong babae upang maligo.

Habang naliligo, biglang bumuhos ang ulan dahilan upang lumaki ang tubig hanggang sa tuluyang bumaha sa lugar. Hindi na nakaahon ang paslit at tinangay ng tubig-baha.

Show comments