Konsehal na HVT timbog sa drug raid

Hindi na nakapalag nang arestuhin ang konsehal na si Zaldy Francisco Idanan, 57-anyos na ikinokonsiderang high value target at kasama sa national watchlist.
STAR/File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Arestado ang isang incumbent municipal councilor makaraang makuhanan ng ilang sachet ng shabu sa ginawang search warrant operation ng mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa sa bahay nito sa Brgy. Supang, Ca­ramoran, Catanduanes kahapon ng umaga.

Hindi na nakapalag nang arestuhin ang konsehal na si Zaldy Francisco Idanan, 57-anyos na ikinokonsiderang high value target (HVT) at kasama sa national watchlist.

Sa ulat, dakong alas-5:45 ng umaga sa bisa ng search warrant na inilabas ng korte ay sinalakay ng mga miyembro ng Virac at Caramoran Police at mga ahente ng PDEA mula sa Ca­tanduanes at Camarines Norte ang lungga ng konsehal. Nakuha sa bahay nito ang apat na sachet ng shabu na tumitimbang ng 15 gramo at nagkakahalaga ng P102,000.

Show comments