2 HVT huli sa P1 milyong shabu

ANGELES CITY, Philippines — Dalawang high value target (HVT) ang nadakip ng pulisya dahil umano sa  pagbebenta at pag-iingat ng shabu sa magkahiwalay na drug buy-bust operation ng Police Station 4 at Angeles City Drug Enforcement Unit sa Brgy. Balibago kamakalawa ng hapon.

Sa ulat sa tanggapan ni Police Station 4 commander P/Maj. Aris B.Gonzales, kinilala ang mga suspek na pawang nasa watchlist ng pulisya na sina Manuel Secundo Jr. alias “Choy”, 31, single, jobless, at Jayson Fernandez, 32, ng Hadrian Extention 3, Brgy.Balibago sa lungsod na ito. 

Nasamsam sa mga suspek ang nasa 156 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na PHP 1.060.800.00 at perang ginamit bilang marked money. 

Kasong paglabag sa Comprehensive Dange-rous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga suspek.

Show comments