3-anyos ginahasa, pinatay ng pinsan

KIDAPAWAN CITY  , Philippines  —  Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 3-taong gulang na bata matapos na gahasain ay pinatay pa ng sarili nitong pinsan sa Brgy. Singao, Kidapawan City, North Cotabato. Kinilala ang biktima na si Ella Bueno, ng nasabing lugar habang ang tinutugis na suspek ay si Rene Montaño Bueno, na nakikitira lang sa bahay ng biktima. Ayon sa nanay ng bata na si Grace, alas-8:22 ng gabi noong Mayo 5 ay hawak-hawak pa ng suspek ang bata at mga bandang alas-9:00 na ng gabi ay hinanap na ng kanyang nanay dahil nawawala na.

Magdamag nilang hinanap ang bata at tuluyan nila nitong nakita sa madamong bahagi ng isang farm lot na nasa Purok Lanzones ng nabanggit na lugar na pag-aari ni Cristitita Aparcio, dakong alas-6:00 na ng umaga kahapon. May 10 metro mula sa crime scene kung saan nakita ang bangkay ng bata, narekober ang gamit ng suspek na tsinelas, kanyang tubaw, sigarilyo at ang damit pang ibaba ng bata. Sinasabing lasing umano ang suspek ng gawin nito ang krimen.

Show comments