Mavericks diniskaril ang sweep ng Celtics

Dumiskarte si Luka Doncic ng Mavericks laban sa mas maliit na si Celtics point guard Payton Pritchard sa Game Four ng NBA Finals
STAR/File

DALLAS — Handa na ang Boston Celtics para ipag­diwang ang kanilang kampeonato.

Ngunit diniskaril ito ng Mavericks sa likod ng 29 points ni Luka Doncic para sa 122-84 pagmasaker sa Celtics sa Game Four ng NBA Finals.

Sa kabila ng kabiguan ay hawak pa rin ng Boston ang 3-1 lead sa kanilang best-of-seven championship series ng Dallas.

“It doesn’t change anything,” sabi ni Doncic sa pa­nalo ng Mavericks. “Like I said in the beginning of this series, it’s the first to four. And we’re going to believe until the end. We’re just going to keep going. I have big belief in this team that we can do it.”

Ang Celtics ang mamamahala sa Game Five sa Martes at puntirya ang NBA record na ika-18 korona na babasag sa kanilang pag­ka­katabla ng Los Angeles Lakers.

Ang 38-point final margin ang ikatlong pinakama­laki sa isang NBA Finals game sa ilalim ng 96-54 pag­rapido ng Chicago Bulls sa Utah Jazz noong 1998 at ang 131-92 paggupo ng Celtics sa Lakers noong 2008.

Nagdagdag si Tim Har­daway Jr. ng 15 points, habang humakot si rookie center Dereck Lively II ng 11 points at 12 re­bounds.

Tumipa si Jayson Tatum sa 15 points para sa Celtics at may 14 at tig-10 markers sina Sam Hau­ser, Jaylen Brown at Jrue Holiday.

Show comments