One more

Ang hiyaw ng Meralco Bolts: Isa na lang! Ang sigaw naman ng San Miguel Beermen: Isa pa nga!

‘Yan ang scenario mamaya sa Game 6 ng PBA Philippine Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum.

Lamang ang Meralco sa best-of-seven series, 3-2, meaning one more win, champion na sila for the first time sa PBA.

Lumalabas na twice-to-beat ang Meralco na hawak ang renda ng serye matapos ipanalo ang Games 1, 3 and 5. Tumatabla lang ang San Miguel.

Pero matapos na nga kaya ang series mamaya?

Mahirap sabihin unless manggaling kay Madam Auring ang hula.

Alam natin na kayang bumalik ng Beermen mula sa hukay. ‘Yung 0-3 nga eh nalampasan nila para mag-champion kontra Alaska noong 2016. Philippine Cup din ‘yun.

Kaya kung kaya nila ang 0-3, ‘yun pa kayang 2-3.

Abangan natin mamayang gabi.

Oo nga pala, may prediction si SMB coach George Gallent.

Anya, “For sure, Game 7.”

Show comments