3-peat sa Lady Blazers 4-peat sa Altas Spikers

Nakopo ng Perpetual Altas Spikers ang makasaysayang 4 peat at ika-14 titulo matapos igupo ang EAC Generals sa finals ng NCAASeason 99 men's volleyball.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Doble selebrasyon si Cloanne Mondenedo ito’y matapos magkampeon ang College of Saint Benilde sa National Collegiate Athletics Association (NCAA) Season 99 volleyball ay nakopo pa niya ang pinakamataas na individual award ang-- Most Valuable Player (MVP).

Tumikada si Mondenedo ng apat na puntos at 16 excellent sets sapat upang akbayan ang CSB sa pagsilo ng three-peat matapos kalusin ang Letran Lady Knights, 25-18, 25-17, 25-18  sa Game 2 ng best-of-three finals na nilaro sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City kahapon.

Nahirang din si Mondenedo na Best Player of the Game at  Best Setter.

Pinamunuan ni  Gayle Pascual ang opensa para sa Taft-based squad nang ilista ang 15 points mula sa 14 attacks at isang block, nahirang naman siya na Reliable Player of the Game.

Samantala, pormal na sinelyuhan ng Perpe­tual Help Altas Spikers ang four peat matapos nilang pagpagin sa Game 2 ang Emilio Aguinaldo College Generals, 25-14, 25-22, 29-27 sa sarili nilang best- of-three men’s finals.

Ito ang pang-14th titles ng Perpetual Help sa i­lalim ng paggabay ni head coach Sammy Acaylar sa men’s division sapul ng hawakan ang koponan noong 1985.

Si Acaylar din ang may pinakamaraming kampeo­nato sa men’s division si­mula nang magsimula ang NCAA noong 1925.

Dominado ng Perpe­tual Help ang volleyball sa men’s, women’s, junior boys at girls dahil sa kanilang magandang prog­rama sa nasabing sport.

Nasungkit ni Louie Ra­mirez ang 2nd best outside spiker at back-to-back season MVP trophy habang napunta kay Jeff Marapoc ang Finals MVP.

Show comments