Celtics dumikit sa NBA Finals berth

Celtics star Jayson Tatum.

INDIANAPOLIS - Bagama’t nilalagnat ay naglaro pa rin si Jrue Holiday para ilapit ang Boston Celtics sa pagpasok sa ikalawang NBA Finals trip sa nakaraang tatlong seasons

Kinumpleto ni Holiday ang go-ahead three-point play sa huling 38 segundo at inagawan ng bola si Andrew Nembhard sa natitirang 3.3 segundo para sa 114-111 panalo ng Celtics sa Indiana Pacers sa Game Three at ilista ang 3-0 lead sa Eastern Conference finals.

“The ultimate teammate competitor, obviously a champion, wasn’t at shoot around today, he was sick. Dealing with chills and stuff like that,” ani Jayson Tatum kay Holiday na tumapos na may 14 points, 9 rebounds, 3 assists at 3 steals.

Dinuplika ni Tatum ang kanyang playoff career high na 36 points bukod sa 10 rebounds at 8 assists para sa Boston habang may 24 markers si Jaylen Brown.

Nagdagdag si Al Horford ng 23 points tampok ang pitong 3-pointers para sa kanilang pagbangon mula sa isang 18-point deficit at sa 101-109 pagkakaiwan sa dulo ng fourth quarter.

Maaari nang umabante ang Celtics sa ikalawang NBA Finals trip sa nakaraang tatlong seasons kung mananalo sa Game Four bukas sa balwarte ng Pa­cers.

Pinamunuan ni Nembhard ang Indiana sa kanyang career-high 30 points bago siya inagawan ng bola ni Holiday sa huling 3.3 segundo ng laro.

Show comments