Shoot pa more

Sport lang. Walang bastusan.

Ang kaso, sino ba ang dehins sport at sino ang bastos?

Si Terrence Romeo ba ng San Miguel Beer or si coach Yeng Guiao ng Rain or Shine?

Well, ayoko makialam pero ito ang nangyari.

Sa Game 3 ng best-of-seven series nila last Wednesday, nanalo ang SMB at kumuha ng 3-0 lead.

Lamang ang SMB, 114-107, with 3.7 seconds left at hawak ni Terrence ang bola. It means, game over.

Kaso, tumira pa ng tres si pogi at pumasok kaya umalma si coach. Kabastusan daw.

Nagkagirian sila. Sabi ni Terrence, gusto lang mag-entertain ng mga kababayan niya sa Cavite.

Galit na galit lumabas ng court si coach. Basta, ang feeling niya, binastos sila ni Terrence. Mayabang daw ang bata.

“I don’t think may binastos ako sa pag-shoot ko. Walang kayabangan dun,” ang sagot ni Terrence.

I agree.

Nanalo ang SMB sa Game 4 last Friday at pumasok sa finals ng Philippine Cup.

Na-sweep ang Rain or Shine. The end.

Show comments