Tagum City taob sa Cotabato Province sa PSL

PSL officials led by president Cris Bautista and commissioner Alan Caidic join the organizers and some of the participants during the parade of players in the opening of the PSL Regional Finals in Tagum City.
Contributed photo

MANILA, Philippines  -- Pinabagsak ng Cotabato Province ang Tagum City, 86-73, sa pagsisimula ng Born 2006 Division ng PSL Mindanao Regional Finals sa Tagum City kamakailan.

Bumangon ang Cotabato Province mula sa isang 12-point deficit sa first half para agawin ang 54-44 kalamangan sa third period tampok ang 16-2 atake nina John Jefferson Mingao at Rjay Desamparado.

Wagi rin ang tropa ng Cotabato Province sa Born 2004 division matapos gibain ang Misamis Oriental, 91-70.

Samantala, nanalo rin ng dalawang sunod ang Davao at Tagum City para umabante sila sa susunod na round at palakasin ang kampanya sa minimithing puwesto para sa National Finals sa Victoria Sports sa Quezon City sa Hulyo 7-11.

Tinalo ng Davao ang Davao Occidental, 99-54, at idinagdag sa kanilang biktima ang Bukidnon, 86-64.

Nanalasa rin ang Tagum matapos daigin ang Cotabato Province, 73-68 at ang Basilan, 98-70.

Show comments