Beermen dumaan sa butas ng karayom

Iwinasiwas ni June Mar Fajardo ng SMB sina Jho- nard Clarito at Gian Mamuyac ng Rain or Shine sa Game 1 ng kanilang semis series.
PBA Image

MANILA, Philippines — Itinakas ng San Miguel ang pahirapang 101-98 pa­nalo kontra sa Rain or Shine sa Game One ng Sea­son 48 PBA Philippine Cup semifinal series ka­ha­pon sa MOA Arena sa Pa­say City.

Humakot si seven-time PBA MVP June Mar Fa­jardo ng 23 points, 11 re­bounds, 5 assists at 3 blocks para sa 1-0 lead ng Beermen sa kanilang best-of-seven semis showdown ng Elasto Painters.

Nagdagdag si Don Trollano ng 17 markers para sa San Miguel at may 16, 14 at 13 points sina Marcio Lassiter, Terrence Romeo at CJ Perez, ayon sa pagka­kasunod.

Pinamunuan ni Gian Ma­muyac ang Rain or Shine sa kanyang 20 points, 7 boards, 3 assists at 2 steals, habang may 17 markers si Beau Belga tampok ang apat na three-point shots.

Bigo ang Beermen na ma­kalayo sa kabuuan ng la­ro kung saan huling dumi­kit ang Elasto Painters sa 98-101 sa natitirang 31.4 segundo mula sa free throw ni Andrei Caracut.

Matapos ang kapos na triple ni Trollano sa panig ng San Miguel ay tumalbog naman ang tangkang tres ni Caracut sa posesyon ng Rain or Shine sa huling 3.2 segundo.

Nauna nang kinuha ng Beermen ang 10-point lead, 19-9, sa first period hanggang maagaw ng Elasto Painters ang 55-53 abante sa 7:51 minuto ng third quarter.

Show comments