Altas, Knights pakay ang semis

MANILA, Philippines — Inaasahang hindi na patatagalin ng No. 3 University of Perpetual Help System Dalta at No. 4 Wangs Basketball-Letran ang kanilang mga laban sa quarterfinal round.

Bitbit ang ‘twice-to-beat’ advantage, lalabanan ng Altas ang No. 6 PSP Gymers ngayong alas-2 ng hapon at haharapin ng Knights ang No. 5 Centro Escocal University Scor­pions sa alas-4 sa 2023 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Paco Arena, Manila.

Ang dalawang mana­nalo ang maghahamon sa No. 1 at nagdedepensang EcoOil-La Salle Green Archers at No. 2 Marinerong Pilipino-San Beda Red Lions sa best-of-three semifinals series.

Magsisimula ang semis sa Sabado.

Nanggaling ang Perpetual sa 61-62 kabiguan sa Wangs-Letran habang nakalasap ang PSP ng 107-109 double overtime loss sa CEU sa kanilang mga huling laro.

Tinalo na ng Altas ang Gymers, 93-82, noong Mayo 2.

Sa ikalawang laro, re­res­bakan naman ng Knights ang Scorpions na bumigo sa kanila, 85-92, via overtime noong Mayo 16.

Show comments