Ang pagbabalik

The Return of the Dragons.

Parang pamagat ng lumang Bruce Lee movie pero ‘yan ang possibility sa PBA Season 48 sa October.

Gustong bumalik ng Bay Area Dragons.

Pinag-iisipan pa ng PBA kasama na ang board at si commissioner Willie Marcial kung papayag sila.

Ngayon pa lang, may kondisyon na ang PBA: Bawasan ang Bay Area imports. Dating dalawa, gawin isa.

Malakas ang Bay Area team ng Hong Kong na sinamahan pa ng dalawang matinik na imports na parehong NBA veterans.

Kaya namayagpag ang Bay Area sa Commissio­ner’s Cup last season. Kung manalo, mahigit 40 points.

Pero Ginebra ang nakatapat sa finals. Umabot sa Game 7 bago bumigay ang mga bisita sa harap ng 54,589 fans sa Philippine Arena.

All-time record sa PBA attendance.

Kaya sa tingin ko, papayag ang PBA na pabalikin ang Bay Area.

Patok na sa gates dito, humakot pa ng milyun-milyon na views sa Chinese market ang PBA games na involved ang Bay Area.

Isa pa, may invitation maglaro ang six PBA teams sa Macau kontra Bay Area bago magsimula ang next season.

At ang alam ko, nagbabayad ang Bay Area para makalaro sa PBA.

Baka pwede dagdagan ang yadba.

Show comments