Mga tricycle sa Quezon City na walang plaka, huhulihin ng LTO simula July 1

MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) na simula sa July 1, huhulihin na ang mga pampasaherong tricycle sa Quezon City na walang plaka alinsunod sa “No Plate, No Travel” policy ng ahensiya.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, ipatutupad ang polisiya makaraang masolusyunan ng ahensiya ang may halos 3,000 backlog ng plaka ng mga pampasaherong tricycle sa QC sa pakikipag-tulungan ng Tricycle Operators and Drivers’ Associations (TODAs) sa lungsod.

“With all the license plates already distri­buted to all tricycles being used in public transport in Quezon City, your LTO will presume that tricycles with no license plates but are being used in transporting passengers in Quezon City are colorum, or ope­rating illegally” dagdag ni Mendoza.

Ang “No Plate, No Travel” sa QC ay magsisilbing pilot run ng pinaigting na road safety at anti-colorum mea­sures ng LTO at takbang palawakin ito sa buong bansa laluna sa Metro Manila gayundin laban sa mga colorum na four wheel vehicles.

Kaugnay nito, nanawagan si Mendoza sa mga car owners na kunin sa LTO ang plaka ng kanilang sasakyan.

Hiniling din ni Mendoza sa mga car dealers na ipamigay na ang plaka ng mga sasakyan ng kanilang mga kliyente.

Show comments