QCPD nangangalap na ng ebidensya sa pananambang sa LTO lady official

Ayon sa QCPD, maging ang mga CCTV sa lugar ay kanila na ring kinakalap sa posibilidad na makita ang kilos at pagkakakilanlan ng suspek.
Philsar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Sinisimulan na ng Quezon City Police District (QCPD) ang panganga­lap ng ebidensiya gayundin ang mga indibiduwal na posibleng makatutulong sa paglutas sa kaso ng pamamaslang kay Mercedita Gutierrez, hepe ng Re­gistration Division ng Land Transportation Office (LTO)

Ayon sa QCPD, maging ang mga CCTV sa lugar ay kanila na ring kinakalap sa posibilidad na makita ang kilos at pagkakakilanlan ng suspek.

Tinututukan na rin ng QCPD ang  nakapangalan sa OR/CR  na nahulog ng suspek.

Inaalam na rin ng QCPD kung may mga natatanggap na death threats si Gutierrez bago ito mapaslang nitong Biyernes ng gabi.

Sa pahayag ng ilang empleyado sa LTO, mabait at tahimik na tao si Gutierrez at tutol lamang ito sa kanyang trabaho.

Sinabi na rin ni LTO chief Vigor Mendoza na  handa silang makipagtulungan sa QCPD upang mabigyan hustisya ang pagkamatay ni Gutierrez.

Matatandaang binaril ng hindi pa nakikilalang suspek si Gutierrez sa panulukan ng Kamias St. at K-H sa Quezon City.

Papauwi na si Gutierrez sa kanyang bahay sa New  York St. Cubao, nang paputukan ng dalawang ulit ng suspek.

Show comments