HVI sa Pasay huli sa higit P2 milyong shabu

MANILA, Philippines — Arestado ang isang drug pusher na kabilang sa high value individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Pasay City, hapon ng Linggo.

Kinilala ang suspek na si Luisito Saturnino Jr. alyas “Noknok”, 37 anyos, residente ng no 108 Ignacio St., Barangay 75, Zone 10, Pasay City.

Nasa 300 gramo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P2,040.00 ang narekober sa kaniyang pag-iingat nang salakayin ang no. 108 Ignacio St., Barangay 75, Zone 10, Pasay City.

Ayon sa ulat, sanib-puwersa ang District Drug Enforcement Unit (DDEU), District Intelligence Division (DOD) at District Mobile Force Batallion (DMFB)  ng Southern Police District (SPD) , Pasay City SDEU at Sub-station 3 at PDEA-SDO nang salakayin ang bahay ng suspek ala-1:00 ng hapon ng Mayo 26, matapos ang isinagawang buy-bust laban sa suspek.

Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings ang suspek sa Pasay City Prosecutors’ Office sa paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002).

Show comments