Droga, baril nasamsam sa bahay sa Pateros, 5 arestado

Kinalala ang mga dinakip na sina alyas “Charlie,” 55; alyas “Kim”, 37; alyas “Jerome”, 31; alyas “Ryan”, 36, at alyas  “Romar”, 39.
STAR/File

MANILA, Philippines — Arestado ang lima katao kabilang ang isang target ng operasyon nang salakayin ang isang residential house na pinaniniwalaang pugad ng iligal na aktibidad, sa Pateros, Metro Manila, kamaka­lawa ng gabi.

Kinalala ang mga dinakip na sina alyas “Charlie,” 55; alyas “Kim”, 37; alyas “Jerome”, 31; alyas “Ryan”, 36, at alyas  “Romar”, 39.

Sa ulat ng Pateros Municipal Police Station, sa bisa ng  Search Warrant  na inisyu ni Hon. Executive Judge Maria Gracia A. Cadiz-Casaclang ng RTC Branch 155, Pasig City, pinasok at hinalughog ang bahay na mata­tagpuan sa Barangay Tabacalera, Pateros, alas-7:55 ng gabi nitong Biyernes.

Nasamsam ang tinatayang  60 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P408,000.00, iba’t ibang drug paraphernalia, timbangan at isang kalibre 45 pistola na kargado ng 4 na bala.

Isinailalim na sa inquest proceedings ang mga suspek sa paglabag sa Sections 11, 12, 13, 14, at 15 sa ilalim ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Show comments