Higit 20K elementary at higit 50K secondary teachers pumasa sa March 2024 licensure examination

MANILA, Philippines — Inilabas na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang resulta ng mga pumasa sa March 2024 Results of Licensure Examination for Professional ­Teachers.

Nabatid na  20,890 na mga elementary ­teachers mula sa kabuuang  44,764 o 46.67% na kumuha ng pagsusulit ang pumasa habang nasa 50,539 na secondary teachers mula sa kabuuang  85,980 o 58.78% ang  lisensiyado na.

Isinagawa ang L. E. P. T. nung  March 17, 2024 sa 36 na mga testing centers ng PRC sa buong bansa.

Inaaasahang iaanunsyo ng PRC sa mga susunod na araw ang petsa at venue ng oathtaking ng mga bagong guro.

Show comments