Ammonia leak sa Malabon 5 menor-de-edad, naospital

MANILA, Philippines — Limang menor-de-edad ang dinala sa ospital dahil sa ammonia leak na naganap kahapon ng umaga sa Malabon City.

Nangyari ang ammonia leak sa Jovares Oxygen and Gas, Kaingin Streest sa Tinajeros, Malabon City.

Ayon sa Malabon Disaster, Risk and Reduction Management Office (DRRMO) ang mga biktima ay kinabibilangan ng tatlong lalaki, isang babae at 9 na buwang sanggol.

Dinala ang mga ito sa Ospital ng Malabon.

Pansamantalang inilipat sa eva­cuation areas ang nasa 300 residente na naapektuhan ng ammonia leak.

Show comments