VP Sara, may mensahe para sa Araw ng mga Tatay

MANILA, Philippines — Pinasalamatan ni Vice Pres. at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang mga tatay dahil sa kanilang sakripisyo para sa kanilang pamilya at bansa.

“Maraming salamat sa mga magiting, masipag, at mapagmahal na haligi ng ating mga tahanan - ang ating mga ama,” mensahe ni VP Sara.

Aniya pa, malaki ang ambag ng mga ama sa paghubog ng mga kabataan, na siyang mamumuno at magtataguyod sa bansa sa hinaharap.

“Mula sa inyong lakas, determinasyon, at pagsisikap para sa inyong pamilya umuusbong at nahuhubog ang mga kabataang mamumuno at magtataguyod sa kinabukasan ng ating bayan,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ng bise presidente na dalangin niya ang kanilang tagumpay, gayundin ang katuparan ng kanilang mga hangarin para sa kanilang mga pamilya.

“Hinaot nga magpadayon kamo sa inyong kadasig ug inyong makaplagan ang kalipay sa kinabuhi,” ayon pa sa bise presidente.

Show comments