Chiz naging ‘waiter’ kay FL Liza: Gentleman lang ako

Video footage shows First Lady Liza Marcos sipping from the wine glass of Senate President Francis Escudero during the vin d’honneur at Malacañang on Wednesday.
STAR/File

MANILA, Philippines — Hindi minasama ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang ginawang pang-aagaw sa kanya ng alak ni First Lady Liza Araneta Marcos kamakalawa ng gabi sa Vin D’Honneur sa Malacañang.

Naging viral sa social ang ginawa ng First Lady kung saan kinuha nito ang wine glass ni Escudero at ininuman pagkatapos ay muling ibinalik sa Senate President.

Tinawanan lamang ni Escudero ang nasabing pangyayari at makahulugang sinabi na ang paghihintay sa isang babae ay pagpapakita ng pagka-maginoo.

“Haha… I consider waiting on a lady (first or otherwise) to be gentlemanly,” ani Escudero.

“Maaaring sabihin ng iba na maka-luma o parang “under” pero para sakin, hindi kailanman magiging maka-luma o ‘di uso, ano man ang itawag ng iba, ang pagiging maginoo at pakikipag-kapwa tao,” ani Escudero.

Sa nasabing okasyon, kalapit nina Escudero at Unang Ginang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Show comments