Higit 6K stranded kay ‘Aghon’

Batay sa Maritime Safety Advisory na inilabas ng Philippine Coast Guard (PCG) nasa 6,833 ang stranded na mga pasahero, truck drivers at cargo helpers.
Coastguard Surigao del Norte/PCG/Facebook page

MANILA, Philippines — Mahigit 6,000 katao ang naitalang stranded sa iba’t-ibang pantalan sa bansa, dahil kay bagyong Aghon.

Batay sa Maritime Safety Advisory na inilabas ng Philippine Coast Guard (PCG) nasa 6,833 ang stranded na mga pasahero, truck drivers at cargo helpers.

Stranded rin ang 48 vessels, 30 bangkang de motor, 1,492 rolling cargoes habang nagkubli na sa Northeastern Mindanao,­ Bicol, Eastern Visayas, Central Visayas at Sou­thern Tagalog region ang 92 barko at 20 motorbancas.

Ang mga rehiyong nasa ilalim ng monitoring ng PCG ay Northeastern Mindanao, Bicol, Eastern Visayas, Central Visayas at Southern Tagalog na ngayon ay tinatahak ni Aghon.

Sinabi ni PCG Spokesman Commodore Armand Balilo, nakaantabay na ang deployable response groups (DRG) at mga rescue assets ng PCG sa Visayas at Minda­nao sakaling kailanganin upang uma­gapay sa mga evacuation at rescue ope­rations ng lahat ng local government units (LGUs) na tatamaan ng bagyo.

Inatasan na rin ni CG Admiral Ronnie Gil Gavan ang lahat ng PCG District Commanders na tiyaking walang magbubuwis ng buhay sa panahon ng kala­midad, makipag-ugnayan sa lahat ng ahensiya at bilisan ang pagresponde sa mga insidente sa karagatan.

Naglabas na rin aniya ng notice to all mariners na tiyakin ang kaligtasan sa karagatan.

Pinapayuhan na rin ang mga pasahero at mga mangingisda na huwag munang maglayag at mamamalakaya sa harap ng nararanasang sama ng panahon.

Show comments