Amyenda sa RTL itutulak ni Pangulong Marcos

MANILA, Philippines — Patuloy na isusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-amyenda sa Rice Tarrification Law (RTL) para mapababa ang presyo ng bigas sa bansa.

Sinabi ng Pangulo na hihikayatin niya ang mga mambabatas na baguhin ang probisyon sa RTL at payagan ang National Food Authority ( NFA) na makapag-angkat ng bigas.

Ito ay para makatulong hindi lang sa mga magsasaka kundi maging sa mga kumukonsumo ng bigas.

“Kaya’t kung pagbibigyan tayo ng ating Kongreso na makapag-import na [ang NFA], makikipagsabayan na ito. Ito naman talaga ang unang [dahilan] kung bakit tinayo ang NFA,” pahayag ni Pangulong Marcos sa sidelines sa pamamahagi ng certificates of land ­ownership award (CLOAs) at e-titles sa mga magsasaka sa South Cotabato Gymnasium and Cultural Center sa Koronadal City.

Ayon sa Pangulo, ang pag-amyenda sa RTL ay isang hakbang lamang ng gobyerno para mapaganda ang buhay ng bawat Filipino.

Naghahanap na rin aniya ang gobyerno ng weather-proof varieties ng palay para mapataas ang produksyon nito habang ang  Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) ay magbibigay naman ng mga makinarya sa mga magsasaka.

Show comments