Bong Go umayuda sa mga nawalan ng trabaho sa Maynila

MANILA, Philippines —  Pinayuhan ni Senator Christopher “Bong” Go ang humigit-kumulang isang libong benepisyaryo na gamitin nang matalino ang tulong ng gobyerno para sa personal at community development.

Ito’y kasunod ng relief activity sa Lungsod ng Maynila noong Huwebes, Mayo 23, kung saan ang senador ay nagbigay ng karagdagang suporta sa displaced workers, bukod sa suporta sa kabuhayan ng gobyerno na kanilang natanggap.

Si Go at ang kanyang Malasakit Team, sa pakikipagtulungan nina Manila City Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo, ay namahagi ng tulong sa Universidad de Manila, kung saan halos 1,000 benepis­yaryo ang nakatanggap ng meryenda, grocery packs, bitamina, masks, kamiseta, bola para sa basketball at volleyball, sapatos, mobile phone, relo, at bisikleta.

Sa suporta ni Go, nagsagawa naman ng orientation ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga kwalipikadong benepis­yaryo ng programang Tulong Pang­hanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), kung saan binigyan sila ng pansamantalang trabaho para makatulong sa komunidad.

“Nandirito po tayo para sa programang TUPAD na ating isinulong noon para mabigyan po kayo ng pansamantalang trabaho… Bigyan po natin ng pagpupugay ang mga empleyado ng DOLE sa programang TUPAD,” ani Go.

Binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng suporta sa kabuhayan ng gobyerno sa gitna ng mga pagsubok at hinimok ang mga benepisyaryo na sulitin ang pagkakataong ito upang maiangat ang kanilang buhay.

Hinimok ni Go, chairperson ng Senate Committee on Health and Demography, ang mga residente na unahin ang kanilang kalusugan at gamitin ang tulong mula sa Malasakit Centers na matatagpuan sa lungsod.

Show comments